Nagsimula sa Turkey, inadapt sa middle east at ngayon ay kinakain na din sa buong mundo. Ang kebab ay karaniwang strips ng lamb meat na iniihaw tsaka iseserve kasama ng Jasmin rice o kaya naman ay pita.
Isa sa nag inspire sakin para magsulat ng Food blog ang napaka sarap na Persian Restaurant located sa Banilad Cebu City. Kung titignan napakaliit lang ng place nila aakalain mo rin sa unang tingin na di masayadong madami ang kumakain at parang di sikat. Sa halagang P180.00 lang they serve this mouth watering dish di lang yan! Sa laki ng serving ang one hundred eighty pesos na beef kebab ay good for twoUna kong nalaman ang tungkol sa restaurant na ito ay nung nakita ko ang post sa wall ng isang kabarkada sa face book at nung nalaman ko na ang mura at abot kaya ang pagkain aba syempre! Go na~! Ang babala na sya sakin ay ihalf namin ang isang serving ng partner ko pero keber. Sa lakas kong kumain oorder talaga ako ng isang serving!
Sa “Persian Star” Cebu ko na tagpuan ang perfect Persian experience sinubukan ko rin kasi ang “Pita and Sour Yogurt” na masarap gawing appetizer bago ka kumain ng beef kebab. Maasim asim at perfect ang texture ng yogurt na masarap gawing sawsawan sa pita. Solb! chumarapek! ang sarap!
Pero appetizer pa lang un mga ate at kuya nung lumabas na ang beef kebab sa laki ng serving na gulat ako. Una kong tanung sa waitress “Ate ang laki naman nito baka may extra charge?” ang sagot sakin ni ate “wala po sir”.
Dun ko na alala ang warning sakin na good for 2 na ang isang serving. Di ko sinukuan ang “Beef Kebab” na un. Masarap ang crunchy outside soft in the inside na beef nila na umani sakin ng papuri dahil din sa sarap ng “Tomato puree” at “Garlic Sauce” na ternuhan mo rin ng mustard plus gawad awardee ang kanilang jasmin rice na ang sarap ng pagkakaluto. Ayun na..
Ang picture sa taas kanina plato na lang ang natira. hahahaha! Ang bill P210 pesos per person:
1 big serving ng beef kebab
1/2 yogurt and pita
1 can ng coke.
Sadya naman talagang great persian experience natagpuan ko. Kaya “Yogurt & Pita ” at “Beef Kebab” sa Persian Star Banilad Cebu pasok kayo sa prigider!


No comments:
Post a Comment