Sunday, 28 August 2011

Pampagana (Worst Places to Eat)

Na experience mo na ba na kumain ka sa restaurant at hindi ka na ulit kakain dahil sa mga bagay na napansin mo? May alam ka ba na restaurant na masarap ang pagkain pero di mo na gusto balikan pa.

Tayong mga Pilipino ay sadyang matulingin magalang at hospitable sa larangan ng trabaho. Kaya naman di poblema ang customer services sa atin. Un nga lang may mga restaurant na nakalimutan na isa sa tinitignan ng kanilang consumer ay ang treatment sa kanila ng serbidor.


Pang mayaman at maarte daw ang naghahanap ng good customer services sa Pilipinas. Kadalasan sa mga class A na restaurant mo makikita ang waging waging customer services pero ang di natin alam kahit fast food ang kakainan mo ng hahanap ka nito.

 Ang batayan ko sa maayos, malinis at waging customer service sa isang kainan ay the following:




A. Tap water. bakit? according sa article na "Tap water, sir? We don't do it" ni Patrick Colison  "When I was in Burger King recently, I started coughing and asked for some tap water. They refused even though I had tears running down my cheeks, as I struggled to stop coughing. They did offer to sell me a bottle of water". Wala naman sigurong gusto matulad sa kanya diba?


B. Speed of Service. Dahil ang average waiting time sa kainan ay dapat 15- 20 minutes lang.


C.  Food and utensils. Completo at malinis na dinning utensils at malinis na pagkain.

OK eto na irereveal ko na ang mga kainan na talaga namang nakakagana kumain

Number 3. KULS CHICKEN, Lahug Cebu.

Masarap ang pagkain, completo ang utensils at may free water, Pero ang food service umaabot ng 30 minutes at nung ng request ako ng tap water nung kakatapos ko lang umorder binigyan nila ako ng tap water nung.......... pauwi na ako. Maiintindihan ko sana kung madaming kumakain kaya medyo mabagal ang service ang di ko lang na intindihan ay wala namang masaydo kumakain nung time na un at ung waitress na pinag tanungan ko at hinigan ko ng tap water ay nasa bar lang at naka tingin lang sa malayo. Of course malayo sakin. Malapit ang resto na to sa pinagtratrabahuhan kong call center na ang oras ay mahigpit at ang lunch ay di pwedeng lumagpas sa isang oras nasa tamang lugar sana sila, mali lang ang serbisyo.

Number 2. PIPELINE, Cebu City.

Great place, music, ambiance and pizza (care of Chukies) pero naman. Wala silang tap water at ang service nila medyo sobrang bilis. In fairness bumili kami ng beer at topsilog of course na una ang beer. Isang set, 2 set.. 2 bottle pa ng beer at ayun na sa wakas dumating na ang topsilog, di na lang ako ng tangkang umorder ng extra rice baka dumating pero wala na ung topsilog ko hahaha.

Of course grabe kong mantrip, nung bumalik ako dun umorder kami ng pizza at beer. Umarte ako na nabubulan at humingi ang kasama ko ng water. Ang tinuro nung waiter... ung beer. Di ba ang saya!

Number 1. CHOWKING, Ali Mall Cubao, Manila.

Fast food lang sya kaya makakaasa ka na di masayong madali ang service o kaya naman ay utensils ay kulang kulang pero eto ang hindi ko kinaya.

Kumain kami ng partner ko sa said place at omorder originally ng Lauriat, wala daw silang shang-hai kaya sabi nila siomai n lang. Gusto ko rin sana ng kangkong pero wala na daw sila kaya iba na lang ang binili ko.

Iseserve na ang food humingi ako ng tap water, pagamoy ko sa tubig amoy sabon. tinawag ko ang waiter "kuya amoy sabon po" kinuha ni kuya ang water glass sabay amoy at tingin sakin ng di masyado maganda at sabi "palitan ko na lang" sabay alis, may nakasalubong syang waiter at tinapik nya ang sabi ni kuya "tap water daw sabi nun" sumagot din ang isang waiter ng "customer mo yan sakin mo iutos". Ok sige na wag na sana sila ng away. May malapit na 711 sa place kaya dun n lang ako bumili ng tubig pagbalik ko nandun na ang pagkain.

I always make sure na an utensils na gagamitin ay malinis mahirap na magkasakit, kaya naman nakita ko na parang may nakadikit pang kung ano sa kutchara ko. Nang hingi ako ng ibang pares ng kutchara. mga 5 minutes wala pa, tumawag na ako ng waitress. "Ms. I am sorry nghingi ako ng kutchara wala pa" ang sabi ko. "Sir ng huhugas pa po ang dishwasher namin wala pa pong utensils" sabi ni ate. Humigi na lang ako ng chopstick bago ko masira ang chairs sa said place. Tapos na kami kumain at dumating na rin ang tap water ko at ang utensils. Nagsmile na lang ako sa waiter na nagtamad tamaran sakin at ang sabi ko "huwag mo naman sirain ang pangalan ng pinagtratrabahuhan mo, kung di ka masaya umalis ka."

Hayy. Sana minsan maisip din ng mga managers at supervisors na di lang pagkain ang batayan. Tulad na lang ng isang manager sa Shakey's SM Cebu na nung naghingi ako ng something eh bumalik sakin with all eyebrows lifted na para bang kasalanan na mapagutusan sya. Tsk Tsk di ipapasok sa pridger ang mga ugali niyo. Huwag tayong umabuso hanggang may mga serbisyong ganyan di namin kayo tatantanan and world peace

Pers of all Persian Food

Isa sa nakahuli ng pansala ko ay ang kaibigan akong taga Persia. His name is Madhi! Sa kanya ako nakatikim ng Home made kebab at talaga namang napaka sarap ng tender juicy beef na ito!
Nagsimula sa Turkey, inadapt sa middle east at ngayon ay kinakain na din sa buong mundo. Ang kebab ay karaniwang strips ng lamb meat na iniihaw tsaka iseserve kasama ng Jasmin rice o kaya naman ay pita.
Isa sa nag inspire sakin para magsulat ng Food blog ang napaka sarap na Persian Restaurant located  sa Banilad Cebu City. Kung titignan napakaliit lang ng place nila aakalain mo rin sa unang tingin na di masayadong madami ang kumakain at parang di sikat.  Sa halagang P180.00 lang they serve this mouth watering dish di lang yan! Sa laki ng serving ang one hundred eighty pesos na beef kebab ay good for two

Una kong nalaman ang tungkol sa restaurant na ito ay nung nakita ko ang post sa wall ng isang kabarkada sa face book at nung nalaman ko na ang mura at abot kaya ang pagkain aba syempre! Go na~!  Ang babala na sya sakin ay ihalf namin ang isang serving ng partner ko pero keber. Sa lakas kong kumain  oorder talaga ako ng isang serving!
Sa “Persian Star” Cebu  ko na tagpuan ang perfect Persian experience sinubukan ko rin kasi ang  “Pita and Sour Yogurt” na masarap gawing appetizer bago ka kumain ng beef kebab. Maasim asim at perfect ang texture ng yogurt na masarap gawing sawsawan sa pita. Solb! chumarapek! ang sarap!
Pero appetizer pa lang un mga ate at kuya nung lumabas na ang beef kebab sa laki ng serving na gulat ako. Una kong tanung sa waitress “Ate ang laki naman nito baka may extra charge?” ang sagot sakin ni ate “wala po sir”.
Dun ko na alala ang warning sakin na good for 2 na  ang isang serving. Di ko sinukuan ang “Beef Kebab” na un. Masarap ang crunchy outside soft in the inside na beef  nila na umani sakin ng papuri dahil din sa sarap ng “Tomato puree” at “Garlic Sauce” na ternuhan mo rin ng mustard plus gawad awardee ang kanilang jasmin rice na ang sarap ng pagkakaluto. Ayun na..
Ang picture sa taas kanina plato na lang ang natira. hahahaha! Ang bill P210 pesos per person:
1 big serving ng beef kebab
1/2 yogurt and pita
1 can ng coke.
Sadya naman talagang great persian experience natagpuan ko. Kaya “Yogurt & Pita ” at “Beef Kebab” sa Persian Star Banilad Cebu pasok kayo sa prigider!