Saturday, 3 September 2011

Turtles Tambayan with a twist

20 years na ng ooperate ang tambayan/ kainan na ito sa Lahug, Cebu City. Tago at di halatang astig tambayan and Turtles nest na isa sa pinaka cozy na place na natambayan ko.

Pagpasok pa lang sa Turtles nest mapapansin mo ang gangagandahang art work na nakadisplay sa loob nito.
Your choice of music din sa Turtles nest dahil ok lang pakeelaman ang open component nila na may different CD mula RnB hanggang Rock sama mo pa si Lola Madonna.

Sayaban ang Chilax mo ng masarap nilang Hamburger at Fries na below 100 pesos lang. Di ka talaga maiinip sa dito dahil aside Free Wifi service may mga books din na pwedeng basahin sa loob. Oo para syang noisy Liblary.




Nung nasa Turtles nest kami ng mga kabarkada ko. Naisipan namin uminom at ang pulutan, Gambas at Lechon Kawali na talaga namang masarap at hindi pambutas ng bulsa. Tinanong ko ang waitress sa Turtles Nest at napaglaman ko na mayron din itong apartelle sa taas ng Inuman/Tambayan/Kainan/ Library.  Syempre di ko rin pinalampas ang tanung na kung anu ang specialty nila sa place. Pero tumambling ako sa sagot ni Ate nung una di ko pa maintindihan pero ang bongga niang sagot sakin ay "Schnitzel."
(o dba Sosyal ang pagkakarinig ko nga lang kay ate Sinzel)



Ang Schnitzel ay isang tradinitonal na Australian dish na tender meat na lalagyan ng bread crumbs, ipriprito at iseserve with potato salad o napagtripan ko "Pita" or kung trip mo pwede din naman na "Curry Rice" na matatagpuan din sa Turtles Nest. May ilan din na nagsasabi na ang Schnitzel ay galing sa Milan or Italy, pero ang isa ding chika na nakuha ko ay isa itong German influence sa Australia during the Battle of Milan noong 1683.



Pero back track hindi ba weird na ito ang specialty sa Turtles Nest sa Gorordo? Well ito ang aalamin ko pagbalik ko dun. Kasi sa sobrang busong ko di ko na magawang umorder pa ng pinagmamalaki nilang schnitzel. Pero ok lang naman kasi swak na swak na sa prigider ang masarap nilang pulutan at ang lugar nila na talaga namang astig